January 27, 2012
Kahapon nag RetDem kami tungkol sa traction. Kalerqui ung CI namin kasi balak pa kami isa-isahin samantalang ung ibang CI by group sila! OMG! Bakit ganon sya!? HAHAHA! Buti nalang pangatlo na ko at nung narealize nya na may ibang section pa na gagamit, by group na. Wew. Nakaligtas ako dun. Ready na ko sa muka nyang nakasimangot forever e. Lol. 10am nung natapos kami at kumain kami nila Char at Joda sa Mang Inasal. After non ay pumunta kami sa dorm nila Kim para gumawa nung sa Research. Concierto Piyu din kahapon pero di ako nanood dahil tinatamad ako. Oo, andun ang Pupil pero OMG. Ayoko na mag antay pa ng matagal. Mas gusto ko makipag usap kay Ross kesa mag abang don tapos sa malayuan ko lang din sya makikita. Hoho.
January 28, 2012
UMIRAL KASIPAGAN KO SA NOL NG ARAW NA TO!!!! Hahaha! 8 am nasa school na ko para tapusin ang natitirang module sa NOL namin. Onti nalang kami at sakto nung 12nn na ay natapos ko rin! Ang saya ko. Lol. Kasabay ko si Angel kumain at nakipag kita kami kay bespren. Panic panic ako kasi nagagalit na sya. E kakadating lang naman nya sa McDo non. HAHAHA! Anyway, mga 2pm ay umalis na kami ni Angel. Pagdating sa dorm nila para kitain ung mga kagroup ko ay nahiga lang ako. Nung 3 na ata yon ay nakatulog na ko. 4:30 na ko nagising tapos umuwi na kasabay si Angel ulit. Umuwi sya ng Antipolo. Tapos pagdating ko sa bahay nagpasama ung nanay ko.
Yun lang. Lels.